Bagyong Onyok nakalabas na ng bansa; Batanes makararanas pa rin ng pag-ulan

(UPDATE) Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Onyok.

Sa 11pm advisory, sinabi ni PAGASA weather specialist Meno Mendoza na alas-10:30 ng gabi nang makalabas ng bansa ang bagyo.

Huli itong namataan sa layong 545 kilometro Hilaga ng Basco, Batanes

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito sa direksyong pa-Hilaga sa bilis na 35 kilometro bawat oras.

Bagama’t nakalabas na ng PAR, ang rainbands ng Bagyong Onyok ay magdadala pa rin ng paminsan-minsang mahihina hanggang katamtamang mga pag-ulan sa Batanes.

Ayon kay Mendoza, inaasahang simula ngayong araw ay gaganda na ang panahon.

Nakataas pa rin ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybayong dagat ng Batanes, Babuyan, Cagayan, Isabela at northern coast ng Ilocos Norte.

 

 

Read more...