Pulis sugatan sa shooout sa Cebu City

Sugatan ang isang pulis sa nangyaring shootout sa Cebu City, Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Talamban Police Station, binaril ng suspek na si Julito Togono Boaquin, kwarenta y kwatro anyos, ang pulis na si Cpl. Banedy Talimporos Solante matapos komprontahin sa dalang armas nito sa Barangay Binaliw bandang alas dos y medya ng madaling-araw.

Tinamaan ng bala ng baril ang pulis sa kaniyang kaliwang binti.

Gumanti ng putok ng baril ang pulis dahilan para tamaan ang suspek at masawi.

Agad namang dinala ang pulis sa Cebu City Medical Center habang ang suspek ay dinala sa Rolling Hills Funeral Homes.

 

Read more...