2 kolektor ng iligal na STL sa Quezon arestado

Nahuli sa aktong kumukuha ng taya ang dalawang hinihinalang kulektor ng ilegal na Small Town Lottey (STL) sa Tayabas City, Quezon.

Nakilala ang mga suspek na sina Hector Navarra at Reynaldo Jasmin.

Ayon kay Col. Audie Madrideo, director ng Quezon police, nahuli ng mga pulis na nagpanggap na mananaya matapos tanggapin ng dalawa ang pera sa bahagi ng Barangay Isabang bandang alas singko y medya ng hapon.

Nabigong magpakita ng lisensyadong ID na inilabas ng Pirouette Gaming Corporation ang mga suspek.

Nakuha rin sa mga suspek ang ilang STL bet collection form, paraphernalia, at perang taya.

 

Read more...