M4.4 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Surigao del Norte, Lunes ng hapon.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 92 kilometers Southeast ng General Luna bandang alas dos diyes ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

 

Read more...