MRT-3 may libreng sakay sa mga senior citizens

May handog na isang linggong libreng sakay sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) para sa mga senior citizens.

Sa anunsyo ng Department of Transportation and Communications (DOTr), ang libreng sakay ay simula sa Martes, October 1 hanggang sa susunod na Lunes, October 7.

Ito ay magsisimula ng alas 5:00 ng umaga at tatagal hanggang 10:30 ng gabi.

Ayon sa DOTr, kailangan lamang magprisinta ng senior citizen ID o kahit anong ID na magpapatunay ng edad na 60 anyos pataas para makasakay ng libre sa MRT-3.

Ang libreng sakay ay bilang pakikiisa ng ahensya sa taunang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.

Ang Elderly Filipino Week ay alinsunod sa Proclamation No. 470 na inilabas noong September 26, 1994.

Layon ng proklamasyon na madagdagan ang kaalaman ng pubiko sa iba’-ibang isyu ng mga nakakatanda.

 

Read more...