MMDA: Transport strike hindi matagumpay

Jong Manlapaz/Radyo Inquirer

Minaliit ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang isinagawang tigil-pasada ng ilang transport groups araw ng Lunes.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, maaga pa lamang ay natugunan na ang problema sa mga pasahero na nahirapang makasakay ng mga pampublikong sasakyan.

“Hindi matagumpay ang transport strike kasi na-address ng maaga ang problema,” ani Pialago.

Kaunti lamang anya ang stranded na mga pasahero at hindi naman pinayagan ng gobyerno na maparalisa ng tigil-pasada ang biyahe ng mga tao.

Dagdag ni Pialago, nakatulong ang libreng sakay ng iba’-t ibang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan para may masakyan ang mga pasahero.

Sa Metro Manila anya ay umaga pa lamang ay napuntahan na ng mga sasakyang nag-alok ng libreng sakay ang mga lugar na may mga pasaherong stranded kaya may nasakyan ang publiko sa gitna ng tigil-pasada.

Ang tigil-pasada ng ilang transport groups ay bilang protesta sa ikinakasang modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan kabilang ang mga jeepney.

Read more...