Nakapulong ni Vice President Leni Robredo ang ilang delegado ng 12th Australian Political Exchange Council, Lunes ng umaga.
Sa Facebook, ibinahagi ni Robredo ang mga larawan ng pagbisita ng mga delegado sa kaniya.
Ilan aniya sa mga talakay sa pulong ang inisyatibo at reporma ng Office of the Vice President (OVP) kabilang ang pagkamit ng ISO 9001:2015 certification at pagtanggap ng unqualified opinion mula sa Commission on Audit (COA).
Umaasa naman si Robredo na magkaroon ng produktibong aktibidad ang mga Australian leader sa pananatili sa bansa.
Mananatili ng isang linggo sa bansa ang mga delegado para matutunan ang sistema ng pulitika at kultura ng Pilipinas.
READ NEXT
Albayalde, nilinaw na hindi siya tinanggal sa pwesto ni Pangulong Duterte dahil sa drug recycling
MOST READ
LATEST STORIES