Albayalde, nilinaw na hindi siya tinanggal sa pwesto ni Pangulong Duterte dahil sa drug recycling

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na hindi siya sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagkakasiwalat ng kontrobersiya sa drug recycling.

Kumalat kasi ang isyu na isa umano si Albayalde sa mga matataas na opisyal ng PNP na sangkot sa pag-rerecycle ng droga.

Ayon sa PNP chief, hindi totoo na mayroong relief order sa kaniya.

Aniya, kinausap na niya ang pangulo kasabay ng pagbibigay ng sitwasyon ng mga ninja cop at kampanya kontra sa ilegal na droga.

Umaasa naman si Albayalde na ang pagkakadawit ng kaniyang pangalan ay walang kinalaman sa pulitika.

Kahit pa noon, sinabi nito na ayaw niyang madamay ang pambansang pulisya sa pulitika.

Nakatakdang dumalo ang PNP chief sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Martes, October 1.

Read more...