Pinagtibay na sa third and final reading sa Senado ang panukala para sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa susunod na taon.
Sa pamamagitan ng 21 affirmative votes, zero negative votes, at zero abstention ay lumusot ang Senate Bill No. 1043 para sa postponement ng Brgy at SK elections at gawin na lamang ito sa December 5, 2022.
Dahil dito ay otomatikong mabibigyan ng extension ang pamumuno ng mga kasalukuyang SK at Barangay officials.
Nauna nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na madaliin ang pagsasabatas sa pagpapaliban sa nasabing halalan.
Nagpahayag naman ng kasiyahan ang Malacanang sa naging tugon ng mga mambabatas sa panawagan ng pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES