Inter-parliamentary courtesy sa budget iginiit ng isang kongresista

Radyo Inquirer

Umapela si House Appropriations Committee Senior Vice Chairman Joey Salceda sa Senado na i-observe inter-parliamentary courtesy.

Ito ay kasunod ng word-war ng kamara at Senado may kaugnayan sa panukalang P4.1 Trillion proppsed 2020 national budget.

Sinabi ni Salceda na dapat hayaan ng Senado ang mga kongresista na gawin ang kanilang trabaho.

Darating anya ang pamahon ng mataas na kapulungan upang pag-aralan ang panukalang pondo na ipinasa ng Kamara kapag nadala na sa kanila ang printed copy ng Genaral Appropriations Bill.

Iginiit nito na ang pagpasa ng plenaryo ng mandato nito sa small committee ay matagal nang practice simula pa noong 8th Congress pagdating sa pagtalakay sa General Appropriations Bill.

Nauna nang kinuwestyon ni Sen. Ping Lacson ang umano’y insertions sa panukalang budget na malinaw umano na patuloy pa rin ang pagkakaroon ng pork barrel ng ilang mambabatas.

Read more...