2 motorcycle rider patay, 1 pa sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Quezon

Patay ang dalawang motorcycle riders habang sugatan ang isa pa sa magkahiwalay na aksidente na naganap sa Quezon.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office nangyari ang aksidente sa Tayabas City at sa bayan ng Calauag.

Aksidenteng bumangga ang ang motorsiklong sinasakyan ni Ramil Romero Sr., sa Barangay Masinin sa Tayabas City sa parating na motorsiklo sakay si David Valerio Rogel.

Ayon kay Colonel Audie Madrideo, Quezon police chief, dead on the spot si Romero habang sugatan naman si Rogel at ginagamot sa Tayabas Community Hospital.

Sa bayan naman ng Calauag, aksidenteng nabangga ang motorsiklong sinasakyan ni Carlo Tomines sa isang pampasaherong bus sa Barangay Viñas.

Matinding pinsala ang tinamo ni Tomines na agad niyang ikinasawi.

Ayon sa pulisya, sinakop ng bus na minamaneho ni Edgar Pillarda ang kabilang lane na nagresulta sa aksidente.

Read more...