Ayon kay Poe, ang namumuno sa Senate Committee on Public Services, magiging mandato ng NSTB ang pag iimbestiga sa mga aksidente, pagsunod sa safety standards at pagsasagawa ng pag-aaral sa kaligtasan sa mga lansangan.
Ito ang nilalaman ng Committee Report No. 8 na inaprubahan na ng Committees on Public Services; Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation; at Finance at ito ay isusumite na sa plenaryo.
Ang committee report ay ukol sa pinagsamang Senate Bill No. 125 ni Poe at Senate Bill No. 651 ni Sen. Ramon Revilla Jr.
Paliwanag ni Poe nakakabahala na ang mga trahedya sa kalsada kayat nararapat lang na may ahensiya na makakapag-imbestiga na ang resulta ay magagamit para masuri o mabago ang mga sinusunod na safety standards sa sektor ng transportasyon.
Aniya ang NSTB ay maaring makapagsagawa ng independent investigation sa mga aksidente sa himpapawid, highways, riles at karagatan.
Dagdag ng senadora, P50 milyon ang magiging paunang pondo ng NSTB kapag ganap itong nabuo.