Panukalang batas na magpapataw ng parusa laban sa mga anak na mag-aabandona sa magulang inihain sa senado

Naghain ng panukalang batas si Senator Panfilo Lacson para parusahan ang mga mag-aabandona sa magulang nilang matanda na at maysakit.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 29 o ang “Parents Welfare Act of 2019” inoobliga ang mga anak na suportahan ang kanilang may edad na, maysakit at hindi na kayang magtrabahong magulang.

Ang magulang na nangangailangan ng suporta ay maaring maghain ng petition for support sa korte at hilinging sila ay masuportahan ng kanilang anak.

Ang Public Attorney’s Office ang tatayo bilang abogado ng magulang na maghahain ng petisyon.

Ang mga anak na mag-aabandona sa magulang ay parurusahan ng hanggang 10 taon na pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P300,000.

Sa nasabi ring panukala, magtatayo ng Old Age Homes para sa mga elderly, sick o incapacitated na magulang sa bawat lalawigan at highly urbanized city.

Read more...