70,000 driver ng jeep makikinabang sa pagtaas ng road user’s tax

Iginiit ni House Committee in Ways and Means at Albay Rep. Joey Salceda na aabot sa 70,000 jeepney drivers ang makikinabang sa panukalang batas na layong taasan ang motor vehicle user’s charge o road user’s tax.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, sinabi ni Salceda na mula sa kikitain ng gobyerno, P20 billion ay mapupunta sa jeepney drivers o tig-kalahating milyong piso.

Dito ilalaan ang revenues sa loob ng unang tatlong taon habang sa ikaapat na taon ay 100 percent na itong ibibigay sa Universal Health Care.

Paliwanag ni Salceda, bukod sa masosolusyunan ng modernisasyon ang problema sa maruming emission at polusyon ay naglalayon din ang panukala na matiyak ang kaligtasan sa lansangan at magkaroon ng efficient transport sector.

Sinabi naman ng Department of Finance (DOF) na 10 porsiyento ng pamilyang Pilipino sa bansa ang nagmamay-ari ng 50 percent ng mga sasakyan sa kalsada.

Sa orihinal na panukala ng DOF, magkakaroon ng 3-year phased in period sa road user’s tax increase kung saan sa unang taon ay P1.40 ang madadagdag sa kada kilogram ng gross vehicle weight, P1.95 sa ikalawang taon at P2.50 sa ikatlong taon.

Sa pagtaya ng ahensya ay P11.6 billion ang incremental revenue sa first year, P24.9 billion sa second year at halos P40 billion sa mga susunod na taon.

Mayroong apat na panukalang batas na nakahain sa Kamara na naglalayong amyendahan ang MVUC Act of 2000,

Read more...