Pagbuo ng Kamara ng small committee para resolbahin ang mga amyenda sa 2020 budget ng mga kongresista legal ayon kay Rep. Neptali Gonzales

Nanindigan ang liderato ng Kamara na valid, legal at naayon sa saligang batas ang pagbuo nila ng small committee para sa mga institutional at individual
amendments sa ilalim ng panukalang P4.1 trillion 2020 national budget.

Ayon kay Deputy Speaker at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II, walang iregularidad sa pagbuo ng Kamara ng small committee upang i-proseso ang mga individual amendments sa kabila ng pagpasa ng panukalang 2020 budget sa Mababang Kapulungan.

Paliwanag ng mambabatas, pinapayagan ng Konstitusyon ang plenaryo ng Kamara na aprubahan ang panukalang pondo at magtakda ng mfa procedures upang masiguro na ang mga programa ng pamahalaan ay prayoridad kumpara sa mga parochial concerns ng mga kongresista.

Iginiit nito na kaiba ang budget deliberation sa ibang mga panukalang batas bukod pa sa walang nakasaad sa Saligang Batas kung paano ipapasa ang mga ito sa una, ikalawa at ikatlong pagbasa.

Gumawa anya ng sariling rules ang Kamara upang maging output-responsive ang mababang kapulungan sapaglat hindi parktikal na magpasok ng kanilang amyenda ang nasa 300 kongresita sa plenaryo.

Read more...