Passport ng tinaguriang ‘drug queen’ ng Maynila pinakakansela sa DFA

Hiniling ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na agad kanselahin ang passport ng tinaguriang drug queen ng Maynila na si Guia Gomez-Castro.

Sa pahayag sinabi ni Drilon na maari nang maikunsiderang pugante sa batas ang naturang dating barangay official.

Si Castro ay kumpirmadong nasa labas na ng bansa base sa rekord ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa NCRPO, Sept. 18 nang dumating sa bansa si Castro galing sa Vancouver, Canada at noong Sept. 21 ay umalis din agad patungo naman ng Bangkok.

Ani Drilon, walang balak na bumalik muli sa bansa si Castro para harapin ang kaso niya.

Ayon kay Drilon, sa ilalim ng Republic Act 8239 o Philippine Passport Act, may kapangyarihan ang foreign affairs secretary na kanselahin ang passport “in the interest of national security” o kung ang passport holder ay pugante.

Read more...