Iba pang kumpanya ng langis nag-anunsyo ng rollback

Nag-anunsyo na rin ng ipatutupad na rollback ang iba pang kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), magpapatupad ito ng bawas na P1.45 sa kada litro ng gasolina, P0.60 sa kada litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang bawas presyo ng Caltex alas 12:01 ng madaling araw ng Martes, Oct. 1.

Ang kumpanyang Unioil naman ay mayroon ding P1.45 na bawas sa bawat litro ng gasolina at P0.70 naman sa bawat litro ng diesel.

Bukas din ang rollback ng iba pang kumpanya ng langis gaya ng Petron, Shell, at Petro Gazz.

Read more...