Sa 11AM weather update ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 200 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, ang rainbands ng bagyong Onyok ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa Batanes.
Kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa Ilocos Norte, Apayao and Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.
Hindi inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo at lalabas na ito ng bansa mamayang gabi.