Mayor Isko Moreno nilagdaan ang ordinansa na magbibigay ng P800 na birthday gift sa mga senior citizen

Nilagdaan na sa Maynila ang bagong ordinansa na magbibigay ng P800 na birthday gift sa mga senior citizen.

Inaprubahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso Ordinance No. 8570 sa isinagawang signing ceremony sa Bulwagang Katipunan sa Manila City Hall.

Tanong ng alkalde, kung nagagawa sa Makati City, bakit hindi sa Maynila?

Sa ilalim ng bagong ordinansa, ang mga edad 60 pataas na residente ng lungsod ay tatanggap ng P800 na birthday gift na ibibigay ng cash ng lokal na pamahalaan.

Gagamit ng teknolohiya sa gagawing pamamahagi ng birthday gifts at titiyaking magiging convenient para sa mga nakatatanda ang pagtanggap nito.

Magiging epektibo ang ordinansa sa taong 2020.

Read more...