Magsasaka patay sa pananambang sa Roxas, Palawan

Patay sa pananambang ang isang magsasaka sa bayan ng Roxas sa Palawan.

Nakilala ang biktima na si Remart Occena, 30 anyos.

Ayon sa ulat ng Roxas Municipal Police, nangyari ang pananambang umaga ng Linggo (Sept. 29) sa Sitio Ibangan, Barangay Abaroan.

Inaalam pa ngayon kung ano ang motibo sa krimen.

Pinaghahanap na rin ang hindi pa nakikilalang suspek.

Read more...