Dumagsa sa Comelec offices ang mga last minute na magpaparehistro matapos ianunsyo ng Comelec na hindi na palalawigin pa ang registration.
Sa local Comelec office sa Valenzuela City, umabot sa MacArthur Highway ang pila mula sa bahagi ng CJ Santos Street.
Sa Maynila, dagsa din ang mga humabol sa pagpaparehistro sa Comelec Office sa Arroceros.
Maaga pa lamang siksikan na ang mga hahabol sa huling araw ng registration sa Arroceros.
Nagsimula ang registration noong August 1 at ngayong araw magtatapos.
MOST READ
LATEST STORIES