Ilang kumpanya ng langis nagpatupad na ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo

Epektibo na ang rollback ng ilang kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Lunes (Sept. 30), ipinatupad ng kumpanyang Seaoil ang rollback na P1.45 sa kada litro ng gasolina, 60 centavos sa kada litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

Kahapon ng hapon ay nauna nang nagpatupad ng rollback sa na 50 centavos presyo ng diesel at P1.50 sa gasolina ang Cleanfuel.

Bukas naman ang rollback ng iba pang kumpanya ng langis.

Sa abiso ng kumpanyang Shell, bukas October 1, alas 6:00 ng umaga ay epektibo ang kanilang rollback na P1.45 sa kda litro ng gasoline, P1.00 sa kada litro ng kerosene at 60 centavos sa kda litro ng diesel.

Sa hiwalay naabiso sinabinaman ng Petro Gazz na bukas din ng umaga ipatutupad nila ang P1.55 na rollback sa kada litro ng gasoline at 50 centavos sa kada litro ng diesel.

Read more...