LOOK: Biyahe ng mga pampasaherong jeep sa Maynila tuloy sa kabila ng tigil-pasada

Normal pa ang biyahe ng mga pampasaherong jeep sa Maynila sa kabila ng tigil-pasada ng mga transport group.

Sa update na ibinahagi ng Manila – Public Information Office, pasado alas 6:00 ng umaga, marami pa ring pampasaherong jeep na bumibiyahe sa Rizal Avenue sa Doroteo Jose, Tayuman, Blumentritt, Aurora Blvd. kanto ng Blumentritt, at CM Recto.

May mga jeep ding bumibiyahe sa CM Recto kanto ng Rizal Avenue, Espana kanto ng AH Lacson, at Quezon Boulevard sa Quiapo.

Sa Maynila, tanging pasok lamang sa kolehiyo ang sinuspinde dahil sa tigil-pasada.

May pasok ngayong araw ang mga mag-aaral sa pre-school hanggang high school.

Read more...