Metro Manila at Cavite maagang inulan – PAGASA

Maagang nakaranas ng pag-ulan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 5:30 ng umaga katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang naranasan sa Metro Manila at sa Cavite.

Ganitong lagay ng panahon din ang naranasan sa mga bayan ng Bagac, Mariveles at Limay sa Bataan.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga ipalalabas nilang abiso.

Read more...