Piolo at Claudine balik-tambalan sa pelikula

Muling magtatambal sa pelikula sina Piolo Pascual at Claudine Barretto makalipas ang 15 taon.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Piolo na matagal nang inihanda ng Star Cinema ang reunion movie nila ni Claudine.

Huling nagtambalan ang dalawa sa pelikulang Milan noong 2004.

Excited na umano ang ultimate heartthrob dahil matagal na nila itong hinihintay ng dating ka-love team.

Hindi pa maidetalye ng aktor ang plot ng pelikula ngunit nagpahapyaw ito sa karakter ng mga bida na anya’y daraan sa maraming pagsubok.

Ang reunion film ng dalawa ay sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Sa ngayon ay busy si Piolo sa pelikula kasama si Alessadra de Rosi.

Ang pelikula kasama si Piolo ay ang una namang pelikula ni Claudine matapos ang “Etiquette for Mistresses” kasama si Kris Aquino noong 2015.

Read more...