Ombudsman, nagsuspinde na rin ng trabaho ngayong araw

Inanunsyo ng Office of the Ombudsman ang kanselasyon ng trabaho sa lahat ng tanggapan nito ngayong Lunes, September 30.

Ang anunsyo ay ipinadaan sa pamamagitan ng official twitter account nito Linggo ng gabi.

Ang suspensyon ay dahil pa rin sa nationwide transport strike na nakakasa ngayong araw.

Ilang lokal na pamahalaan, eskwelahan na ang unang nag-anunsyo ng suspenyon ng pasok sa trabaho at klase.

Read more...