DILG, magsasagawa ng inspeksyon ukol sa pag-aalis ng mga sagabal sa kalsada

Sisimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga kalsada sa buong bansa.

Ito ay matapos ang ipinataw na 60 na araw na deadline ng DILG sa mga local government unit (LGU) para alisin ang mga obstruction sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa isang panayam, sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na personal na iikutin ng mga opisyal ng kagawaran ang mga lungsod at munisipalidad para matiyak ang mga isinumiteng report.

Kasama rin aniya ng DILG ang ilang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Matatandaang nagbaba si Diño na oras na matapos ang deadline ay agad magpapalabas ng show cause order ang DILG laban sa mga hindi sumunod na lokal na opisyal.

Maaari aniyang masuspinde sa serbisyo ang mga alkalde na hindi nabigong tumalima sa nasabing kautusan.

Read more...