Suspek sa pagkasawi ni Darwin Dormitorio, nadagdagan pa

Tukoy na ng pulisya ang ikapitong suspek sa pagkasawi ng Philippine Military Academy (PMA) fourth class cadet na si Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Ayon kay Col. Allen Ray Co, hepe ng Baguio City police, hindi sangkot ang nasabing suspek sa pambubugbog kay Dormitorio noong September 17.

Ngunit, sangkot aniya ito sa ibang insidente ng pangmamaltrato.

Sinabi ng opisyal na inihahanda na ang isasampang kaso laban sa suspek na paglabag sa kasong murder at Anti-Hazing Law.

Matatandaang inihayag ng pulisya na ginamitan ng taser si Dormitorio matapos isuko ng mga iniimbestigahang kadete.

Read more...