Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 5:04 ng hapon, mararamdaman ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Laguna at Tarlac.
Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, kaparehong lagay ng panahon din ang mararanasan sa General Tinio, Nueva Ecija; Bagac, Mariveles, Limay sa Bataan; General Nakar sa Quezon.
Apektado rin ang Rodriguez, Rizal; Zambales at Bulacan partikular sa Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Norzagaray.
Pinayuhan ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES