13 patay, 2 kritikal sa pagtaob ng isang trak sa Thailand

Nasawi ang 13 katao, kabilang ang mga estudyante, matapos tumaob ang sinasakyang trak sa Bangkok, Thailand araw ng Linggo.

Sa panayam kay police office Samran Chaytao, dead-on-the-spot ang 12 katao habang nasawi naman habang dinadala sa ospital ang isa pang biktima.

Nasa kabuuang 18 katao aniya ang sakay ng trak.

Siyam sa mga biktima ay college student na katatapos lamang sa isinagawang mechanical training para sa isang lokal na kumpanya.

Dalawa naman sa limang nakaligtas ay nasa kritikal na kondisyon.

Ani Samran, lumabas ang mga biktima para sana ipagdiwang ang pagtatapos ng training.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...