Naitala ang magnitude 5.3 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng hapon.
Batay sa impormasyon ng Phivolcs, ito ay aftershocks ng naunang tumama na magnitude 6.4 na lindol sa bayan ng Jose Abad Santos.
Namataan ang sentro ng lindol sa 126 kilometers ng nasabing bayan bandang 3:40 ng hapon.
May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensity 2 sa Kiamba, Alabel sa Sarangani at Tupi, South Cotabato habang intensity 1 naman sa General Santos City.
Wala namang napaulat na pinsala matapos ang malakas na aftershock.
MOST READ
LATEST STORIES