NPA leader, patay sa engkwentro sa Bukidnon

Nasawi ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa naganp na engkwentro sa Bukidnon, araw ng Sabado.

Ayon sa 403rd Infantry Brigade ng Philippine Army, nasawi ang NPA leader na si Joven Manggatawan alyas “Amana” matapos makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa bahagi ng Sitio Bangkalawan, Barangay Lumintao sa bayan ng Quezon.

Si Manggatawan ay napaulat na lider ng Sentro de Grabidad platoon ng Company Thunder ng NPA.

Ang nasabing grupo ay kabilang sa mga nagsasagawa ng operasyon sa Katimugang bahagi ng Bukidnon.

Nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M1 rifle, rifle grenade, AK47 rfile, dalawang anti-personnel mines, radyo, anim na 20-liter water containers na may lamang bias, ilang magazine, bala at dokumento.

Read more...