Ilang preso sa Manila City Jail, sugatan matapos magkaroon ng riot

Sugatan ang ilang preso sa Manila City Jail makaraang sumiklab ang riot, Linggo ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sangkot sa riot ang ilang miyembro ng Batang City Jail at Sputnik Gang.

Dahil dito, nasa 34 preso ang nagtamo ng sugat.

Agad naman aniyang humupa ang gulo nang awatin ng mga pulis sa kulungan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Read more...