Ilang lugar sa Luzon, uulanin ngayong Linggo ng hapon

PAGASA photo

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:31 ng tanghali, mararamdaman ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Quezon, Nueva Ecija at Batangas.

Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, kaparehong lagay ng panahon din ang mararanasan sa Laguna partikular sa Majayjay at Luisiana sa susunod na dalawang oras.

Pinayuhan ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...