Batay sa 11:00 severe weather bulletin ng PAGASA, huling natamaan ang sentro ng bagyo sa 500 kilometers Silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan o 530 kilometers Silangang bahagi ng Calayan, Cagayan bandang 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 sa kilometers per hour.
Binabagtas ng bagyo ang direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Islands.
Magdudulot ang trough ng Bagyong Onyok ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan at thunderstorms sa Cagayan Valley at Bicol mula araw ng Linggo hanggang Lunes ng umaga.
Sinabi ng PAGASA na malabong tumama sa kalupaan ng bansa ang bagyo.
Ayon pa sa weather bureau, posibleng lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR), araw ng Lunes, September 30.