LOOK: Mga kanseladong biyahe sa NAIA ngayong araw ng Linggo (Sept. 29)

Photo grab from Ninoy Aquino International Airport MIAA’s Facebook page

Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Linggo (September 29).

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Kanselado ang dalawang biyahe ng Skyjet sa NAIA Terminal 4 na:
M8 816 na biyaheng Manila – Basco
M8 817 na biyaheng Basco – Manila

Sinabi ng MIAA na maaring makipag-ugnayan ang mga apektadong pasahero sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.

Read more...