87 convicts na unang napalaya pero sumuko, muling pinalaya

Matapos lumaya ay sumuko ang 87 convicts sa gitna ng isyu ng good conduct time allowance (GCTA) law pero muling pinalaya hanggang araw ng Sabado.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, unang pinalaya araw ng Biyernes ang 35 convicts, sumunod ang unang dalawang batch sa natitirang 52 convicts na nakalaya araw ng Sabado.

Ang mga convicts anya na nakatira sa Metro Manila ay agad pinalaya habang inaayos ang transportasyon ng mga nakatira sa mga lalawigan.

Pero nabatid na ang naturang mga convicts ay unang napalaya dahil sa acquittal, pardon at parole at hindi dahil sa GCTA.

Gayunman, sumuko ang mga ito dahil sa 15 araw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinasuko sila ng pangulo para muling ma-compute ang kanilang time allowances.

 

Read more...