Ang anunsyo ay batay sa samples na nakuha sa mga baboy na galing sa bayan ng Bustos.
Ayon kay Pangasinan Governor Amado Espino III, umiwas ang magbababoy sa animal quarantine checkpoint na ipinapatupad sa mga entry points sa probinsya.
Nabatid na dumaan ang magbababoy sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan dala ang mga baboy mula Bulacan.
Nakarating ang mga baboy sa bayan ng Mapandan.
Idineklarang ground zero ng ASF ang Barangay Baloling sa Mapandan.
Ayon sa otoridad, inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa magbababoy.
Samantala, nagpatupad ng ilang hakbang hanggang sa 10 kilometro ng barangay para matugunan ang epidemya.
Nagsagawa na rin ng culling o pagpatay sa mga baboy na tinamaan ng ASF.