Ilang bahagi ng Negros Oriental, 12 oras na walang kuryente Negros Oriental – NGCP

Makararanas ng 12 oras na walang kuryente ang ilang bahagi ng Negros Oriental, araw ng linggo, September 29, 2019.

Magsisimulang mawalan ng suplay ng kuryente mula alas-6:00 ng umaga na tatagal hanggang alas-6:00 ng gabi.

Base sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil sa gagawing maintenance sa kanilang mga pasilidad sa Bais, Bindoy, Guihulngan at Tanjay Substations ng nasabing lalawigan.

Kabilang sa mga apektado ay ang mga consumer ng dalawang electric cooperative tulad ng Noreco I at II.

Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng NGCP sa mga apektadong customers nito, at tiniyak na bibilisan nila ang paggawa para agad na maibalik ang suplay ng kuryente sa nasabing lalawigan.

Read more...