Bahagyang bumilis ang Tropical Storm “Onyok” habang binabagtas pa-Hilagang Kanluran ng karagatang sakop ng Pilipinas.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA na inilabas 5:00 ng hapon ngayong araw (September 28), huling namataan ang bagyo sa layong 890 kilometers sa Silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan bandang 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Bumilis ang bagyo habang kumikilos ito pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 35 kilometers per hour.
Sa ngayon ay nakataas na sa mga isla ng Batanes at Babuyan Island ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.
Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang katamtamang mga pag ulan at kidlat sa bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas at posibleng maging Severe Tropical Storm sa susunod na 24 oras.
Malabo pa rin namang mag-landfall ang bagyo sa kalupaan ng bansa.