P1.3 halaga ng shabu narekober sa isang buy-bust operation sa Pasig City

Nasamsam ang P1.3 milyong pisong halaga ng shabu matapos ang inkinasang buy-bust operation ng Pasig City Police, na ginawa sa kahabaan ng Brgy. Malinao, Pasig City, bandang alas-9:15, Biyernes ng gabi, Sept. 27.

Target ng mga otoridad ang apat na drug suspek na sina Mario Basilonia Bien, alyas Mar, 51-anyos at Erwin Buendia Cruz, alyas Win, 27-anyos na parehong residente ng Brgy. Malinao.

Nahuli rin sina Renesar Baldosa Bernardo, alyas Esar, 26-anyos, at taga Brgy. Palatiw at Sigwald Magallanes Perolina, alyas Sig, 33-anyos at nakatira sa Brgy. Pinagbuhatan.

Maliban sa mga ipinagbabawal na gamot, nakuha rin ng mga otoridad mula sa mga suspek ang electronic weighing scale, isang sasakyan at 299 pirasong 1,000 piso na ginamit bilang buy-bust money.

Napag-alaman ng mga otoridad na si alyas Mar ay kasama sa drug watch list ng lungsod ng Pasig.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng anti-illegal drug operation ng Pasig City PNP.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...