8 arestado sa iligal na pagbebenta ng produktong petrolyo sa Lapu-Lapu City

Arestado ang nasa 8 katao dahil sa iligal na pagbebenta ng produktong petrolyo sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Dionesio Suplaag, 48; Randy Suplaag 44; Gleen Nuñez, 26; Angelou Cal, 20; Anthony Rey Cal, 23;Arjay Hatamosa 20; Ricky Torrejas, 18 at Aljun Torrejas, 22.

Ayon sa ulat, sinalakay ang isang bahay sa Sitio Soong Center kasunod ng reklamo ng mga residente dahil sa masangsang na amoy na nagmumula dito.

Natagpuan sa bahay ang may 16 na LPG-gasol tanks, 12 na basyong tangke at 4 na LPG tanks na mayroon nang laman.

May nakumpiska rin na halos tatlong libong butane canisters kung saan aabot sa 191 ang may laman na butane.

Ang mga naaresto ay nakadetine na sa Lapu-Lapu City Police at kakasuhan ng paglabag sa Presidential Decree No. 1865 or illegal trade of petroleum products.

Read more...