Sa inihaing House resolution no. 383 ng Bayan Muna party-list, nais nitong magsagawa ng imbestigasyon ukol sa pagkalat ng naturang sakit sa baboy at kung ano ang posibleng epekto nito sa swine industry.
Inihain ang resolusyon nina Bayan Muna Representatives Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat.
Nais ding talakayin sa pagdinig kung nagkaroon ba ng pagkukulang sa panig ng Department of Agriculture (DA) dahilan kaya nakapasok sa bansa ang virus mula sa Europa at China.
Maliban dito, iimbestigahan din ang patuloy na pag-import ng meat at iba pang produkto na ginagamit bilang animal feeds.
Pag-uusapan din ang pagpapatupad ng DA ng sanitation laws sa mga babuyan ukol sa backyard farming.
Matatandaang mayroong nakumpirmang kaso ng ASF sa bahagi ng Quezon City, Bulacan at Rizal.