Magnitude 4.3 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa Davao Occidental, Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 117 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 8:45 ng gabi.

50 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring naitalang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...