18 anyos na estudyante sa Laguna State Polytechnic University panibagong biktima ng hazing

Isinugod sa ospital ang isang 18 anyos na criminology student ng Laguna State Polytechnic University matapos magtamo ng mga pasa sa katawan dahil sa umano’y hazing.

Ayon kay Col. Eleazar Matta, Laguna police chief, ang biktima ay si Jonathan Cabueños, 18, na residente ng Barangay Concepcion, San Pablo City, Laguna.

Siya ay first-year criminology student sa LSPU.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng malay ang estudyante Huwebes (Sept. 26) ng gabi.

Inilipat ito sa Chinese General Hospital matapos makitaan ng hematoma sa kaniyang binti at paso sa kaniyang likuran.

Noong Sept. 24 ay nadala na din sa ospital ang estudyante matapos magtamo umano ng cerebrovascular accident.

Read more...