Mga estudyante nasasangkot sa umano’y hazing sa UP pinatawan ng suspensyon

Pinatawan ng preventive suspension ang mga estudyanteng itinuturong sangkot sa umano ay hazing incident na nangyari sa University of the Philippines (UP) Diliman.

Inanunsyo ito ng Office of the Chancellor ng UP matapos ang kumalat na post sa social media kung saan isinasangkot ang ilang miyembro ng Sigma Rho Fraternity sa hazing.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng UP, ang mga suspek ay isinailalim sa suspensyon habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Tiniyak din ng UP na magsasampa sila ng kaso sa sandaling makakalap ng sapat na ebidensya.

Noong Huwebes (Sept. 26) naglabas ng pahayag ang UP Diliman University Student Council at sinabing may nadisubre silang tweet mula sa isang anonymous Twitter account na nagpapakita ng mga larawan at screenshots hinggil sa umano ay hazing incident.

Isa sa mga larawan ay nagpapakita ng isang indibidwal na sumailalim sa hazing at puro pasa ang braso.

 

Read more...