Tinaguriang ‘Ballad Prince’ ng South Korea na si Lee Seung Gi darating sa bansa

Darating sa bansa para sa fan meet ang tinaguriang ‘Ballad Prince’ ng South Korea na si Lee Seung Gi.

Magkakaroon ng 2019 Lee Seung Gi Asia Fan Meeting sa October 12 sa New Frontier Theatre sa Araneta Center, Cubao.

Si Lee Seung Gi ay multi-awarded Korean celebrity na tanyag hindi lang sa acting kundi maging sa pagkanta at hosting.

Ang kaniyang fantasy-drama na “My Girlfriend is a Gumiho,” ay naging hit sa South Korea.

Mabibili na ang tickets para sa fan meeting sa lahat ng TicketNet outlets sa buong bansa at sa www.ticketnet.com.ph.

 

Read more...