Mahigit 200 arestado sa magdamag na one-time big-time operation sa Makati; P200K na halaga ng illegal na droga, mga armas nakumpiska

Umabot sa 248 na katao ang naaresto sa ikinasang “One Time Big Time” (OTBT) operations ng Makati City Police mula alas 12:00 ng hantinggabi ng HUwebes (Sept. 26) hanggang madaling araw ng Biyernes.

Sa nasabing bilang 109 ang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 – 91 sa kanila ay gumagamit ng illegal na droga at 18 ay drug pushers.

Ayon sa Southern Police District, ilan sa mga nadakip ay huli sa aktong hawak ang illegal na droga.

Sa kabuuan umabot naman sa 456 na plastic sachets ng hinihinlang shabu at 2 ng marijuana ang nakumpiska sa mga suspek. Tinatayang aabot sa P228,000 ang halaga nito.

Nakapag-isyu din ng Official Violation Receipt (OVR) sa aabot sa 457 violators bunsod ng iba’t ibang uri ng mga paglabag na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Checkpoint: 14 OVR
Oplan Sita: 345 OVR
Oplan Bulabog: 21 OVR
Smoking in Public: 73 OVR
Littering: 4 OVR

May nakumpiska ring mga armas at may 91 na dinakip dahil sa pag-iinom sa kalye.

Mayroon namang 153 na menor de edad na lumabag sa curfew na dinala sa Makati Social Welfare Department (MSWD).

Read more...