Ito ay magiging bahagi ng official visit ng pangulo sa nasabing bansa.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for European Affairs Amelita Aquino na imbitado ang pangulo na dumalo sa Valdai Discussion Club para sa nasabing forum.
Ani Aquino, inimbitahan ang pangulo, kabilang ang iba pang lider, na magbigay ng talumpati sa forum batay sa temang, “The World Order Seen From the East.”
Dadalo rin aniya ang pangulo sa Philippines-Russia Business Forum kasama ang ilang Russian at Filipino businessmen.
Maliban dito, magiging bahagi rin ng official visit ng pangulo ang bilateral meeting kasama si Russian President Vladimir Putin para talakayin ang bilateral ties ng dalawang bansa.
Ito na ang ikaapat na pagkakataong magpupulong sina Duterte at Putin.