Mga lansangan sa Quezon City malinis na sa obstruction – Mayor Belmonte

Malinis na sa anumang uri ng obstructions ang mga lansangan sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, 100 percent nang compliant ang lungsod sa utos ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Naging puspusan aniya ang pagtatrabaho ng Task Force 60 Days ng city government para makatugon sa deadline.

July 29 nang ilabas ng DILG ang utos para sa paglilinis ng obstructions.

Ang mga alkalde na mabibigong makatugon ay maaring maharap sa suspensyon. (END.DD)

Read more...